10:05 PM, Wednesday, December 26, 2007
Unang post sa bagong blog
Wuhooo. Back to blogging business nanaman ako. Epekto siguro ito ng kaka-comment ko sa blog ni Kate kaya naakit ulit akong mag blog. Pero I don't expect na magiging parang dati ulit ang blogging life ko. First and foremost: Dati halos araw-araw akong nagpo-post. Ngayon, asa na magagawa ko yun. Mas busy ako ngayon. Kahit na sabihin natin na trivial matters lang ang pinagkakaabalahan ko. Tsaka dati, halos everyweek akong nagbabago ng layout. Ngayon, I guess I'll stick to simplicity. Another thing: Every now and then, it-try kong mag-post in English. Sana hindi ako mag nosebleed sa sarili kong effort, pero I kinda realized na kailangan ko nang hasain ang sarili ko sa paggamit ng wikang Ingles. Haha. Na-realize ko yun nung bumisita yung boss ng ate ko dito sa bahay nung 24 para magbigay ng regalo. Malas ko at ako ang nagbukas ng gate. Kausapin ba naman ako ng ingles? Syempre nag-freak out ako. At dahil sa pagf-freak out, nireplayan ko siya ng Tagalog. Oh diba nagmukha akong askal? Ba't ba kasi kailangan pang mag-Ingles kung magbibigay ka lang naman nang paperbag na ang laman lang ay asukal na nasa gingerbreadshaped bottle? So ayun. Na-pressure na ako for my self. Kaya eto. Kasabay ng pagbabalik blogging ay ang pagpupursigi kong mag-post in english. Pero next time pa yun =) Gusto ko munang i-enjoy ang first post ko.
Bakit nga ba eto ang URL ko? Simple lang: Nagsawa na akong i-type ang kahit ano na synonymous sa ANNA KATRINA MARCOS DONATO. Gusto ko naman kahit papaano pinagisipan yung bago. Kahit medyo korni pagtsagaan niyo na lang. Bitter ako lagi kaya dapat medyo nasa lighter side yung URL ko.
Yung layout ko naman, huwag kayong magalala. Babaguhin ko yan. Ewan ko nga kung bakit yan ang pinili ko eh. Nagsasawa na kasi ako sa pakyut-kyut na layout tulad ng mga gamit ko dati. So for a change, pinili ko yung medyo realistic yung image. Peste nga lang kasi 'navigation' yung style niya.
Talking about today's happenings, nanood kami nila Mommy Fina and Daddy Ely ng sine sa Trinoma kasi nakakuha kami ng libreng tickets. To be specific, "Katas ng Saudi" ang pinanood namin. Nakakatawa ba? Haha. Natawa rin ako nung niyaya nila ako eh. Tanong ko kung bakit yun? (Sorry kung natatawa ako sa idea na si Jinggoy ang bida ha.) Sabi nila, alangan naman daw Resiklo o Enteng ang panoorin namin? Atleast daw matino pa istorya ng 'katas...'. Well, ayus lang yung pelikula. In fairness naiyak naman ako sa pagd-drama ni Jinggoy. Kaso medyo may bakas ng pagka-Indie film yung quality ng film. Pero may mapupulot ka naman na message.
Kagabi naman nagtelebabad kami ni Kate. At masaya kami dahil may new-found papa naming dalawa. Haha. Si "Panty". Oo na. Nakakabastos ng katauhan ang codename namin... pinapapalitan nga sa akin ni Kate eh. Pero wala na talaga akong maisip na iba! Grabe si panty. Hindi ko matanggap ang kagwapuhan! Matutulog na lang ata ako nakikita ko pa ang pesteng pagmumukha niya! Balak namin ni Kate, mag-recruit nang iba pang fans ni panty. At sigurado kaming may mapupulot kami kasi sobrang nakakamatay ang kagwapuhan niya. =)
Nyt pips =)
Labels: panty, sine, Unang post